Nalalapit Na: Libreng mga Seminar sa Pilipinas

Ipinaskil Abril 11, 2018 ng 10:51 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Matapos ang dalawang matagumpay na seminar sa Bacolod at Baguio nitong mga nakaraang buwan, bibisita naman ang XM sa iba pang mga lokasyon sa Pilipinas: sa Davao at Cagayan de Oro.

Magsasagawa ang propesyonal na instruktor na si Jonathan Lou Reyes ng paksa na pinamagatang Mga Pangunahing Konsepto sa Forex Trading sa Davao sa May 26 at matapos ang isang linggo, sa Cagayan de Oro naman sa June 2.

Para sa lahat ng pupunta sa alinman sa dalawang siyudad, magbibigay si Jonathan Lou Reyes ng serye ng mga praktikal na gabay sa kung paano magsimulang mag-trade ng forex, kasabay ng mga pinakamahahalagang aspeto sa pag-invest online.

Kasama ng mga praktikal na halimbawa, magbibigay si Jonathan Lou Reyes ng malinaw na pagpapaliwanag sa global forex market, kabilang na ang potensyal nito para sa mga retail investors, at ipapaliwanag din niya nang husto kung paano itini-trade ang mga currency pairs.

Para sa lahat ng mga baguhan palang sa pag-invest online, maraming maidudulot ang seminar dahil mabibigyan nito ang mga dadalo ng mga madaling sundan na gabay sa kung paano mag-trade ng forex.

Kung nais mong pumunta sa aming seminar sa Pilipinas, magbasa pa ng karagdagang detalye at mag-rehistro na dito.