Hindi nagbibigay ng serbisyo ang XM sa mga residente ng Estados Unidos.
Bilang pagpapatuloy sa serye ng mga forex trading seminar na nagsimula sa Pilipinas nitong taon, nagsagawa na naman ang XM ng pang-edukasyonal na event sa Cebu, sa Pilipinas, nitong July 21.
Bilang parte ng aming tradisyon, binigyan namin ang mga Pilipinong online investors ng isang seminar na base sa praktikal na paggamit ng mga detalyeng tinalakay. Ang propesyonal na tagapagsalita na si Jonathan Lou Reyes ay nagbigay na naman ng presentasyon na may layuning tulungan ang mga bisita na madaling maintindihan ang mga pangunahing konsepto sa forex trading.
Ipinakita ni Jonathan Lou Reyes ang mga pangunahing hakbang sa online trading gamit ang mga mahuhusay na halimbawa, na siyang nagbigay sa mga bisita ng mas malalim na pagkakaintindi sa paglalagay ng iba’t-ibang uri ng order sa MT5 platform habang naglalapat ng risk management. Higit pa, nagkaroon din ng pagkakataon ang mga bisita na matuto ng praktikal na paggamit ng mga pamamaraan sa technical analysis na maaaring gamitin para malaman ang lakas ng market trend at paggalaw ng presyo.
Nais naming pasalamatan lahat ng mga kasalukuyan at bagong kliyente sa pagpiling matuto mula sa XM. Isang malaking karangalan na makilala silang lahat sa personal, at babalik na naman kami sa Pilipinas para sa isang panibagong seminar.
Kaya naman, nais naming imbitahan lahat ng online investors na pursigidong ipagpatuloy ang kanilang kaalaman sa forex katuwang ng XM para sumali sa aming nalalapit na forex seminar na pamumunuan ni Jonathan Lou Reyes sa Manila sa August 25.
Babala sa Risk: Maaaring malugi ang iyong kapital. Maaaring hindi nababagay sa lahat ang mga produktong naka-leverage. Mangyaring isaalang-alang ang aming Pahayag sa Risk.