Seminar Tungkol sa Forex sa Pilipinas

Ipinaskil Pebrero 6, 2018 ng 12:46 PM GMT. Magbasa Pa Balita

Ngayong taon, ang libreng edukasyon na binibigay ng XM ay magpapatuloy sa Timog-Silangang Asya, kasabay ng dalawang events na gaganapin sa Pilipinas sa mga sumunod na buwan.

Gaganapin sa Bacolod sa March 24 at Baguio sa April 14, ang seminar ng XM na pinamagatang Mga Pangunahing Aspeto ng Forex Trading ay pamumunuan ni Jonathan Lou Reyes, na may kapana-panabik na estilo sa pag-presenta kaya naman naging kilala siya sa mga Pilipinong traders.

Para sa mga baguhan sa foreign currency market at nais matuto tungkol dito, ang mga kadalasang tinatanong ay: ano ba ang forex; anong mga kakayahan ang kailangan para maging trader; paano nagsasagawa ng pag-trade; at paano kumita nang hindi nakalantad sa napakalaking risk. Ito ang mga katanungan na sasagutin ni Jonathan Lou Reyes, at higit pa.

Ang online na pag-trade ng forex ay kailangan ng patuloy na pag-aaral, na siyang nagsisimula sa mga pangunahing aspeto, kaya naman layunin ng nalalapit na seminar na turuan ang mga pupunta na maintindihan ang mga pinaka-simpleng konsepto at bigyan sila ng malinaw na gabay sa kung paano sila magkakaroon ng sistematikong pagtugon sa online investing. Mula sa mga pinaka-simpleng terminolohiya sa forex hanggang sa mas kumplikadong mga ugnayan sa pag-trade, lahat ng mga pupunta sa seminar ay matututo sa kung paano isinasagawa ang aktwal na pag-trade sa MT5 platform ng XM, at kung anong mga uri ng order ang maaaring i-place at tuwing kailan.

Kung nais mong sumali sa alinman sa aming seminar sa dalawang siyudad sa Pilipinas, mangyaring magbasa pa ng karagdagang detalye tungkol sa paksa, at mag-rehistro na sa lugar at petsa na iyong napili.