Libreng Seminar sa Cebu Tungkol sa Forex

Ipinaskil Mayo 4, 2018 ng 10:54 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Sa July 21, ipagpapatuloy ng XM ang mga seminar nito sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagpunta sa Cebu, kung saan sasalubungin ni Jonathan Lou Reyes at mga kinatawan ng aming kumpanya ang mga dadalo sa isa na namang seminar na idinisenyo para makapagbigay ng praktikal na gabay sa mga online investors.

Ang seminar na pinamagatang Mga Pangunahing Konsepto sa Forex Trading ay hindi lamang magtatalakay sa mga pangunahing hakbang sa online investing, ngunit ipapaliwanag din nito ang mga technical at fundamental analysis tools na madalas ginagamit.

Sa unang bahagi ng seminar, ipapaliwanag ni Jonathan Lou Reyes ang mga pinakamahahalagang detalye tungkol sa global forex market, kabilang na ang mga aspeto na nakakaapekto sa foreign exchange rates. Ang pangalawang bahagi naman ng seminar ay dedikado sa pagsasanay. Kaya naman magkakaroon ang mga bisita ng mas maliwanag na pagkakaintindi sa kung paano itini-trade ang currency pairs sa MT5 platform, anong mga order ang maaaring i-place, at kung paano dapat nilalapat ang risk management sa regular na basehan.

Ang seminar ay maraming matutulong sa parehong baguhan at batikang trader dahil sa malinaw nitong syllabus, pati na ang mga praktikal na halimbawa na ipapakita ni Jonathan Lou Reyes sa kung paano ginagamit ang teorya sa tunay na buhay.

Magbasa pa ng mga detalye tungkol sa seminar at mag-rehistro na sa XM seminar na gaganapin sa Cebu.