Isinagawa sa Baguio ang XM Forex Seminar

Ipinaskil Abril 23, 2018 ng 7:38 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Matapos magkaroon ng iba’t-ibang mga libreng forex trading seminar sa Timog-Silangang Asya ngayong taon, bumalik ang XM sa Pilipinas nitong April 14 para sa isa na namang seminar na isinagawa ni Jonathan Lou Reyes.

Natutuwang sinalubong ng mga kinatawan ng aming mga kumpanya ang maraming bisita sa Microtel Hotel, sa siyudad ng Baguio, kung saan nagbigay si Jonathan Lou Reyes ng presentasyon tungkol sa mga pangunahing aspeto ng online forex trading.

Para sa mga baguhan palang sa online investing, nakapagbigay ang seminar ng mga mahahalagang kaalaman tungkol sa mga kinakailangan para magsimulang mag-trade, kasabay ng mga praktikal na gabay; habang para sa mga may karanasan na sa forex trading nag-presenta naman ng mga detalye na kinakailangan para palalimin ang kanilang kaalaman.

Dahil mahalaga ang mga pangunahing aspeto para sa lahat ng mga maglalaan ng oras at kasanayan sa online trading, ipinaliwanag ni Jonathan Lou Reyes kung paano tumatakbo ang forex market, anong mga aspeto ang kailangang isaalang-alang bago magsagawa ng desisyon, at hanggang saan matutulungan ng technical analysis ang mga traders para malaman kung kailan papasok o lalabas ng market; at higit sa lahat, anong teknik sa risk management ang kailangang gamitin.

Ang aming mga bisita ay nagkaroon din ng detalyadong pagpapaliwanag, sa pamamagitan ng tunay na mga halimbawa, tungkol sa paggamit ng MT5 trading platform ng XM, kung saan ang mga online investors ay maaaring mag-trade ng iba’t-ibang asset classes, kabilang ang forex.

Nais naming pasalamatan lahat ng mga dumalo sa aming seminar, at naniniwala kami na lahat ng mga impormasyon na aming naibahagi ay makakatulong para sa lahat ng mga traders.

Nais din naming imbitahan lahat ng mga hindi nakadalo sa aming seminar sa Baguio, sa aming nalalapit na mga seminar sa Davao at Cagayan de Oro. Para tingnan ang mga detalye at mag-rehistro na agad, mangyaring mag-click dito.