Nagsagawa ng Forex Trading Seminar para sa Pilipinong Investors

Ipinaskil Marso 29, 2018 ng 7:22 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Noong March 24 isinagawa ang pinakabagong XM seminar sa Bacolod, sa Pilipinas, kung saan sinalubong namin ang malaking bilang ng mga online investors na interesadong matuto tungkol sa mga pangunahing aspeto sa forex trading.

Sinalubong ng propesyonal na instruktor na si Jonathan Lou Reyes, kasama ng mga kinatawan ng aming kumpanya, ang mga dumalo sa L’Fisher Hotel, Bacolod, kung saan nakatanggap sila ng mahusay na presentasyon tungkol sa paksang pinamagatang Mga Pangunahing Aspeto sa Forex Trading.

Para sa mga baguhan pa lang sa online investing, importante ang pagkakaroon ng malinaw na imahe sa kung paano tumatakbo ang global forex markets at kung paano isinasagawa ang aktwal na pag-trade sa MT4 at MT5 trading platforms sa XM. Ipinakilala ni Jonathan Lou Reyes sa mga dumalo ang global markets, na sinundan ng praktikal na gabay tungkol sa mga technical analysis tools at ang mga risk factors na kailangang isaalang-alang bago maglapat ng trades. Kaya naman, ang mga bisita ay nagkaroon ng oportunidad na matuto sa mga pangunahing aspeto ng online investing, kabilang na ang trading psychology.

Sa ibaba makikita ang ilan sa mga litratong kinuha sa XM seminar sa Bacolod. Nais namin muling pasalamatan lahat ng mga dumalo sa kanilang pagpunta.

Nais din naming imbitahan lahat ng mga hindi nakapunta sa seminar sa Bacolod para mag-rehistro sa nalalapit na seminar na gaganapin sa Baguio, sa pamamagitan ng pag-click dito.