Sponsor ang XM sa ika-4 na Cairo CFO Summit 2023

Ipinaskil Disyembre 1, 2023 ng 2:37 PM GMT. Magbasa Pa Balita

Nagsilbi ang XM bilang strategic partner at sponsor sa isa na namang matagumpay na event sa industriya ng pananalapi. Noong Oktubre 17, 2023, idinaos ang ika-4 na taunang Cairo CFO Summit, na nagbigay ng pambihirang pagkakataon sa mga lider sa negosyo at pananalapi na makisalamuha, makipagpalitan ng kaalaman, at matuto sa isa’t-isa.

Tinuro ng Principal Technical Analyst namin na si Muhammad Radwan ang katayuan ng pera at market sa Egypt. Tinalakay naman ng ibang tagapagsalita ang mga kaganapan sa industriya at kung paano madaling matahak ng mga propesyonal ang pagbabagong-anyo sa digital na aspeto.

Tungkol sa ika-4 na taunang Cairo CFO Summit

Ang Cairo CFO Summit ay ang pinakamalaking platform sa Egypt para sa mga lider sa negosyo at pananalapi. Sa loob ng 4 na sunod-sunod na taon, pinagsasama-sama nito ang mga negosyante at mga nangunguna sa industriya para mapag-aralan ang pabago-bago at mabigat na pagsubok na kinakaharap ng market sa Egypt. Layunin nitong ipalaganap at mapanatili ang paglago ng ekonomiya sa buong rehiyon.

Ipinagmamalaki naming maging parte nitong inisyatiba sa industriya ng negosyo at pananalapi. Susi sa tagumpay ang pakikipagpalitan ng mga ideya at karanasan katuwang ng ibang miyembro ng pinansyal na komunidad. Patuloy na susuportahan ng XM ang mga ganitong event sa buong mundo na naglalayong pagkaisahin ang lahat at isulong ang tagumpay.