Hindi nagbibigay ng serbisyo ang XM sa mga residente ng Estados Unidos.
Noong tinamaan ng trahedya at hinagpis ang Morocco dahil sa isang napakalakas na lindol nitong Setyembre, di namin matiis na walang gawin sa nararanasang paghihirap ng mga tao.
Dahil dito, nagdesisyon ang XM na kumilos agad at gawin ang lahat ng makakaya nito para suportahan ang mga nangangailangan.
Nagbigay kami ng donasyon sa non-profit food bank sa Morocco na Banque Alimentaire, bukod pa sa mga kumot, ilaw, at damit, pati ng mga makakain at matutuluyan sa mga biktima ng lindol.
Sa tulong din ng donasyon ng aming mga partner, nakapunta sa mismong lokasyon ang Business Development Team namin sa Arabia at aktibo silang tumulong sa mga biktima na malayo sa kabihasnan.
Ipinagmamalaki namin ang pagbibigay-suporta sa oras ng pangangailangan at plano naming ipagpatuloy pa ito sa darating pang panahon.
Dahil sa huli, pantay-pantay tayong lahat, at umaasa kami na makakatulong ang ginawa namin sa muling pagbangon ng mga mamamayan ng Morocco.
Pwede kang magbigay ng donasyon sa Banque Alimentaire dito.
Babala sa Risk: Maaaring malugi ang iyong kapital. Maaaring hindi nababagay sa lahat ang mga produktong naka-leverage. Mangyaring isaalang-alang ang aming Pahayag sa Risk.