XM Namigay ng Damit sa mga Nangangailangan

Ipinaskil Hunyo 16, 2023 ng 1:06 PM GMT. Magbasa Pa Balita

Nag-donate kamakailan ng mga lumang damit ang team namin sa Cyprus at Greece para matulungan ang mga mahihirap. Nangolekta kami ng mga pambata at pang-matandang damit para suportahan ang organisasyon na PASYKAF at Theofilos.

Ang Pancyprian Association of Cancer Patients and Friends (PASYKAF) ay nagbibigay ng libreng pangkalusugan at emosyonal na suporta sa mga pasyenteng may kanser. Nakatutok din sila sa pag-iwas at pagtataguyod ng kamalayan sa maagang senyales nitong sakit. Sa pamamagitan ng pagsuporta sa PASYKAF, layunin naming matulungan ang mga may kanser na makuha ang pagkalinga at suporta na kailangan nila.

Ang Theofilos, na nagpapatakbo sa Greece, ay sumusuporta naman sa mga pamilyang may tatlong anak o higit pa. Namamahagi ito ng pagkain, damit, gamit pang-eskwela, at iba pang pangangailangan para tulungan silang palakihin at paaralin ang mga anak nila. Gamit ang aming donasyon, gusto naming makatulong sa kanila na magkaroon ng mas maliwanag na kinabukasan.

Nakatanggap ang parehong organisasyon ng maraming donasyong damit na susuporta sa mga pasyenteng may kanser at malalaking pamilya sa panahon ng kagipitan.

Ipinagmamalaki namin ang bawat isang empleyado na nakilahok dito at nagpapasalamat kami sa kanilang mabuting kalooban at pagmamalasakit. Sa bawat isang kawanggawa, magkasama tayong lahat na makakabuo ng mas magandang hinaharap.

Para magbasa pa tungkol sa mga organisasyong ito at mag-donate, bisitahin ang website ng PASYKAF o Theofilos.