Nagbigay Tulong ang XM sa Sulabha Trust sa India

Ipinaskil Mayo 25, 2023 ng 6:55 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Nitong Marso, nagbigay kami ng donasyon sa Sulabha Trust for Special Education & Research sa India, isang organisasyon na sumusuporta sa mga batang may espesyal na pangangailangan pati kanilang mga pamilya.

Itinatag ang organisasyon noong 1979 at nakakatulong na ito ngayon sa mahigit 180 estudyante taon-taon. Patuloy ang pagsisikap nilang magkaroon ng edukasyon at kalinga ang mga batang may espesyal na pangangailangan. Ilan sa mga serbisyong inaalok nila ay ang edukasyon, vocational training, speech therapy, at counselling.

Ipinagmamalaki namin ang pakikipagtulungan sa organisasyong ito at hinihikayat ka naming makiisa. Sabay tayong makakagawa ng positibong epekto sa buhay ng mga taong pinaka nangangailangan nito.

Para magbigay ng donasyon, mag-click dito.