XM Itinanghal na Pinakamagaling na Broker ng CFD

Ipinaskil Disyembre 15, 2022 ng 9:53 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Nitong Oktubre, nakatanggap ang XM ng dalawang prestihiyosong parangal sa Forex Expo Dubai 2022: ang Pinakamagaling na Broker ng CFD at Pinakamagandang Swap-free Account sa rehiyon ng MENA! Muli na namang kinilala ng mga eksperto sa industriya ang aming pagsisikap na makapagbigay ng pinakamahusay na karanasan sa pag-trade.

Ito na ang ika-5 beses na idinaos ang Forex Expo Dubai, na itinuturing bilang isa sa pinakamalalaking kaganapan sa mundo ng forex. Sinuportahan ito ng XM bilang Titanium sponsor sa gitna ng mahigit 100 broker na sumali. Higit sa 5,000 trader ang nagkaroon ng oportunidad na makilala ang mga IB, pinansyal na institusyon, at broker, habang nagtipon naman ang mga investor para bumuo ng koneksyon na maaaring makaimpluwensiya sa kinabukasan ng industriya. Si Avramis Despotis, ang CEO at nagtatag ng Tradepedia, ay kabilang sa 70+ dalubhasang tagapagsalita at lider sa industriya na tumalakay sa mga pinakasikat na trend at nagbahagi ng pinansyal na pananaw sa mga dumalo.

Isa ang booth ng XM sa pumukaw ng pansin sa mataong expo hall. Natutuwa kaming makilala sa personal ang mga kasalukuyan at potensyal na partner at kliyente at magkaroon ng makabuluhang pag-uusap kasama sila.

Gusto naming pasalamatan ang komite ng Forex Expo 2022 dahil sa mga iginawad nilang parangal at sa napakahusay na pag-organisa ng event. Pinapahalagahan din namin ang suporta ng mga kliyente at partner sa aming pagsisikap na panatilihin ang pinakamataas na pamantayan pagdating sa kalidad, husay, at pagiging patas.

Talaga namang isa itong napakagandang taon para sa kumpanya dahil nakatanggap din kami ng mga prestihiyosong parangal sa Financial Expo Egypt 2022, City of London Wealth Management Awards 2022, CFI.co 2022, World Finance Forex Awards 2022, at Global Forex Awards 2022.