Pinarangalan na naman ang XM para sa Napakahusay nitong Serbisyo

Ipinaskil Hulyo 19, 2018 ng 2:33 PM GMT. Magbasa Pa Balita

Ipinagmamalaki naming ianunsyo na nitong Hunyo 2018 nakatanggap ang XM ng dalawang prestihiyosong parangal bilang pagkilala sa husay na ginagampanan namin sa industriya ng forex.

Bilang pagkilala sa napakahusay na kalidad na ibinibigay namin sa mga kliyente, pinarangalan ang XM bilang Pinakamahusay sa Market Research & Edukasyon ng Capital Finance International Magazine (CFI.co) at Pinakamahusay na FX Broker sa Europe ngayong 2018 ng World Finance Magazine.

Sa pagkapanalo ng dalawang parangal, nag-komento si Chris A. Zacharia, ang Marketing Director ng XM Group:

”Isang malaking pribilehiyo ang mabigyan ng parangal ng nirerespetong Capital Finance International Magazine at World Finance Magazine – na nakuha namin sa pangalawang magkasunod na beses sa loob ng maikling panahon. Ang parehong parangal ay kumakatawan sa totoong opinyon ng libu-libong indibidwal na investors, fund managers, analysts, at stockbrokers, na isang patunay ng aming pagpapalakad sa XM Group. Ang paulit-ulit na pagkilala sa aming propesyonal na pagpapatakbo at etika sa negosyo ay parehong karangalan at patunay ng aming paghihirap para mapanatili ang pagiging lider sa industriya ng forex. Katuwang ng mahigit sa 1.5 milyong internasyonal na aktibong kliyente, ang XM Group ay dedikado sa pagseserbisyo para sa kapakanan ng online investors na nagtitiwala sa amin. Ito ang pinakamahalagang puwersa na humihikayat sa XM Group mula sa simula”.

Tungkol sa Capital Finance International Magazine (CFI.co)

Ang CFI.co ay nangungunang online at print journal sa negosyo, ekonomiya at finance na naka-base sa UK at nagbibigay ng araw-araw na balita at pag-analisa sa mga market sa buong mundo. Layunin ng CFI.co na tukuyin taun-taon ang mga kumpanya at indibidwal na nangingibabaw dahil sa kanilang husay sa industriya. Ang mga unang nominasyon sa parangal ng CFI.co ay base sa opinyon ng mga nagbabasa ng kanilang magazine, subscribers at mga bumibisita sa website, at ang desisyon sa parangal ay walang pinapanigan at naaayon sa pangkabuuang husay ng mga nominado.

Tungkol sa World Finance Magazine

Ang World Finance ay isang online at print magazine na naka-base sa UK at tumatalakay at nag-aanalisa sa pangpinansyal na industriya, internasyonal na negosyo at ekonomiya ng buong mundo. Mula 2007, tinukoy at pinarangalan ng mga eksperto sa World Finance Forex Awards ang mga nangunguna sa market na nagpatunay ng walang patid na galing sa kani-kanilang mga industriya.