Ini-sponsor ng XM ang Salu-salo ng mga Investor sa Rome

Ipinaskil Hulyo 3, 2018 ng 9:20 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Noong June 30, may eksklusibong event na isinagawa sa Rome, Italy, sa tulong ng pag-sponsor ng XM: ang eksklusibong Salu-salo ng mga Investor.

Ginawa para pagsama-samahin ang mga indibidwal na investor at mga kilalang propesyonal sa isang eksklusibong gabi, ang Salu-salo ng mga Investor ay isinagawa sa Parco dei Principi sa Rome, na siyang dinaluhan ng maraming bilang ng retail traders at mga kilalang indibidwal sa pangpinansyal na industriya sa Italy.

Isang hindi malilimutang gabi ang sumalubong sa lahat ng mga nakisaya sa gabing iyon, kasama ng iba pang investors, sa isang enggrandeng handaan na sinamahan ng masarap na hapunan at kasiyahan. Higit pa, tinampok sa handaan ang ilan sa mga kilalang eksperto sa Italy, na nagsilbi din bilang keynote speakers sa serye ng mga debate na may kinalaman sa forex at CFD markets sa buong mundo, gaya ng mahusay na istratehiya sa pag-invest, mga pamamaraan sa pamamahala ng pera at trading psychology.

Ang mga VIP na bisita at tagapagsalita na sina Carlo Vallotto, Francesco Lamanna, Lorenzo Sentino at Massimo Golfarelli, na mga kilalang personalidad sa industriya na aktibo din sa online investing, ay nagsagawa ng makabuluhang serye ng diskusyon na nakapagbigay ng malaking halaga sa ilan sa mga lubos na pinag-uusapang paksa sa pangpinansyal na industriya ngayon.

Bilang sponsor ng Salu-salo ng mga Investor, ikinararangal naming makilala ang mga bisita, kaya naman nais namin silang pasalamatan sa pagpunta sa event.

Sa ibaba makikita ang ilan sa mga litratong kinuha noong gabing ito.