Nag-sponsor ang XM ng Salu-salo ng mga Investor sa Frankfurt

Ipinaskil Mayo 17, 2018 ng 7:59 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Noong May 12, nagsagawa ng Salu-salo ng mga Investor sa Frankfurt, Germany, sa tulong ng pag-sponsor ng XM, na siyang itinuturing bilang isang pangunahing event na mahalaga sa lahat ng mga interesado sa pag-invest online.

Ang prestihiyosong salu-salo ay in-organisa sa isa sa mga pinakamagagandang lokasyon sa Frankfurt, ang Gesellschaftshaus Palmengarten, kung saan ang mga dumalo ay nagkaroon ng eksklusibong gabi kasabay ng mga kilalang propesyonal sa stock market.

Pinamunuan ng stock market correspondent, pangpinansyal na mamamahayag at TV host na si Mick Knauff kasabay ng kilalang tagapagsalita at coach na si Margit Lieverz, na nagbigay ng mahusay na presentasyon na may masiglang personalidad para kuhanin ang atensyon ng mga bisita, ang Salu-salo ng mga Investor ay nagbigay ng kakaibang oportunidad para makipag-ugnayan sa iba pang online investors na dumalo.

Sa kabila ng enggrandeng kapaligiran ng lokasyon, maraming bilang ng mga dumalo ang nakapunta din sa live na diskusyon ng mga eksperto tungkol sa pinakamahahalagang macroeconomic na paksa na humuhubog sa pangpinansyal na mundo. Ang mga propesyonal na sina Michael Voigt, Samir Boyardan, Markus Gabel at Gil Paz, na nagsilbi bilang keynote speakers, ay nagbigay ng live na debate tungkol sa serye ng mga paksa na may kinalaman sa pangpinansyal na sektor.

Sa kabila ng XM, nais naming pasalamatan lahat ng mga dumalo sa Salu-salo ng mga Investor sa Frankfurt, na isang makabuluhang kaganapan na tunay na inaabangan. Sa ibaba makikita ang ilan sa mga litratong kinuha sa event.