Bumalik ang XM sa Manila para sa Libreng CFD Seminar

Ipinaskil Marso 6, 2018 ng 11:01 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Noong March 4 ngayong taon, bumalik ang XM sa Manila, Philippines, para sa libreng seminar na ibinigay sa mga online investors tungkol sa paggamit ng tehcnical analysis sa pag-trade ng CFDs.

Ang pagbibigay ng mga libreng trading seminars sa buong Timog-Silangang Asya ay isang mahalagang parte ng pang-edukasyonal na programa ng XM nitong mga nakaraang taon, kabilang ang Pilipinas, kung saan isinagawa ang seminar sa kapital ng bansa.

Ginanap sa Dusit Thani Manila Hotel, ang seminar ay ipinresenta ni Jonathan Lou Reyes, na nagtalakay ng mga mahahalagang detalye tungkol sa pag-trade ng iba’t-ibang financial instruments sa anyo ng CFDs sa MT5 platform ng XM. Dahil ang mga Contracts for Difference ay makapangyarihan at mahusay na kagamitan para mag-invest sa iba’t-ibang mga financial instruments, natuto ang mga dumalo tungkol sa mga short-term vs long-term na istratehiya, kabilang ang paggamit ng technical analysis para mapakinabangan ang price action.

Maliban sa pagpapakilala sa global CFD markets, naglaan din si Jonathan Lou Reyes ng oras para sa mga teknik sa pag-invest sa mga indibidwal na stocks, mga stock index, precious metals at energies, na may espesyal na pagtuon sa Moving Average Ribbon technique, na nakakatulong sa mga investors na sundan ang paggalaw sa market at malaman kung kailan papasok o lalabas sa mga market.

Ang seminar ay nagtapos sa isang XM Lucky Draw, kung saan ini-raffle ang mga pangalan ng lahat ng mga dumalo sa event at binabati namin muli sila sa kanilang pagkapanalo.

Mga Nanalo sa Lucky Draw

Mga Premyo MT4/MT5 Account ID
Premyo 1: Huawei Y7 Prime 32GB 3029658
Premyo 2: Huawei Mate 10 64GB 34045987
Premyo 3: Apple iPad 9.7 Wi-Fi 32GB 14005284

Nais naming pasalamatan lahat ng mga kasalukuyan at bagong kliyente na dumalo sa libreng seminar sa Manila, at inaasahan namin na ang syllabus na ipinresenta ay makakatulong sa kanila para pabutihin pa ang kanilang pag-trade.

Bukas na ang rehistrasyon para sa panibagong serye ng mga seminar na isasagawa sa Pilipinas sa mga susunod na buwan, kung saan ang mga detalye nito ay makikita dito.