Lalahok ang XM sa Money Show Financial Expo sa Athens

Ipinaskil Disyembre 28, 2017 ng 7:18 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Sa January 7-9, 2018, lalahok ang XM sa Money Show Financial Expo sa Athens, Greece.

Sisimulan namin ang taong 2018 kasabay ng iba’t-ibang mga mahahalagang events sa mundo ng finance, kung saan ang una sa mga ito ay ang aming pagdalo sa prestihiyosong event na gaganapin sa kapital ng Greece, ang Athens, sa Hotel Hilton.

Ang nalalapit na event ay sasalubong sa ilan sa mga pinakamalaki at kilalang pangpinansyal na institusyon mula sa Gitna at Silangang Europe, at iba pang panig ng mundo, at isa ito sa mga pinaka-importanteng finance at investment expo sa Greece.

Dadalo ang XM sa Money Show expo bilang isa sa mga tanyag na pangpinansyal na institusyon na magpapakita ng kanilang pinakabagong mga produkto at serbisyo, at magsasagawa din ito ng libreng seminar sa kung paano mag-invest sa mga pinaka-tanyag na stocks sa Greece na maaaring i-trade sa XM MT5 platform. Ang seminar na pinamagatang Pag-trade ng Pinaka-tanyag na mga Stocks sa Greece at Pagsusuri ng Market sa 2018 ay isang pinagsamang presentasyon nina Avramis Despotis at Charalambos Spyridis sa pagitan ng 16:00-18:00 sa Thalia conference room ng Hotel Hilton sa January 8. Ang seminar ay maraming maibibigay na mahahalagang impormasyon sa mga retail traders na interesadong matuto tungkol sa pag-invest sa stocks, pabutihin ang kanilang pag-trade sa CFD, at makatanggap ng detalyadong pagsusuri ng market at ano ang maaaring asahan mula sa stock market sa Greece sa 2018.

Nasasabik na ang mga kinatawan ng aming kumpanya na salubungin lahat ng mga dadalo sa XM exhibiting booth, kung saan ang aming mga kasalukuyan at bagong kliyente ay magkakaroon ng oportunidad na makilala kami sa personal, malaman ang aming mga serbisyo, at pag-usapan ang kanilang mga pangangailangan sa pag-invest.

Mag-click dito para sa karagdagang detalye tungkol sa nalalapit na event.