Isinagawa sa Kuala Lumpur ang ika-5 Pagdiriwang ng Anibersaryo

Ipinaskil Oktubre 16, 2017 ng 10:32 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Ang ika-14 ng October 2017 ay isa sa mga importanteng kaganapan sa kasaysayan aming kumpanya: ang inaabangang taunang pagdiriwang ng XM na isinagawa sa Kuala Lumpur, na inihanda namin para ipagdiwang ang limang magkakasunod na taon ng XM sa Malaysia.

Wala nang ibang lugar gaya ng Kuala Lumpur ang makakapantay sa engrandeng handaan para ipagdiwang ang ika-5 taon ng XM sa Malaysia at ang matatag na samahan na itinatag kasama ng aming mga kliyente sa Malaysia.

Isinagawa sa prestihiyosong JW Marriott Hotel Kuala Lumpur, inihanda namin ang pagdiriwang para ipagtipon-tipon ang mga kliyente sa isang hindi malilimutang gabi para ipagbunyi ang pakikipagkaibigan at ang aming patuloy na dedikasyon sa pakikipag-ugnayan sa kanila nang personal.

Nagkaroon ang mga dumalo ng isang gabi na puno ng katuwaan, masasarap na pagkain, live na palabas, at kapana-panabik na Lucky Draw na nagpamigay ng 10 premyong nagkakahalaga ng $50,000, at BMW 318i bilang unang premyo.

Mga Nanalo sa XM Lucky Draw

Mga Premyo MT4/MT5 Account ID
Unang Premyo: Kotse – BMW 318i (2017) 2661725
Premyo 2: Motorsiklo – KTM RC390 (2017) 2539789
Premyo 3: Motorsiklo – KTM RC200 (2017) 32003390
Premyo 4: MacBook Pro 15’’ Quad Core i7 Retina 19052119
Premyo 5: Smart TV – LG 65’’ UHD 4k LED 21066777
Premyo 6: Smartphone – Samsung S8 17035250
Premyo 7: Smartphone – Oppo R9s 31054907
Premyo 8: Camera – GoPro Hero 5 31085110
Premyo 9: Smartphone – Huawei P10 Lite 21144545
Premyo 10: ASUS Vivowatch 2135052

Ikinatutuwa naming salubungin ang aming mga kliyente sa pagdiriwang ng XM para sa aming ika-5 anibersaryo sa Malaysia. Nais naming pasalamatan lahat ng dumalo sa pakikipagsalo kasama namin.