Importanteng Notipikasyon – Federal Election sa Germany at General Election sa New Zealand

Ipinaskil Setyembre 18, 2017 ng 7:39 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Nais naming ipaalam sa aming mga kliyente na ang nalalapit na General Election sa New Zealand at Federal Election sa Germany, na isasagawa sa ika-23 at ika-24 ng September, ay posibleng magdulot ng market volatility, thin market liquidity, hindi normal na spreads at price gaps sa iba’t-ibang currency, commodity at stock markets sa buong mundo.

Dahil sa eleksyon, at para protektahan ang aming kumpanya mula sa inaasahang pagkakagulo sa market, ipapatupad ng XM ang mga sumusunod na patakaran:

Mula 20:00 p.m. server time (GMT+3) sa Friday, ika-22 ng September 2017, ang kinakailangang margin para sa lahat ng positions (para sa pagbubukas ng bagong positions at pagpapanatili ng kasalukuyang positions) ay pansamantalang itataas sa:

  • 1% (100:1 leverage) para sa lahat ng EUR, NZD currency pairs, GOLD at SILVER

Ang pansamantalang patakaran na ito ay hindi na ipapatupad para sa lahat ng positions at ang kinakailangang margin ay ibabalik sa normal (ayon sa normal na account leverage settings ng bawat kliyente) pagdating ng Monday ika-25 ng September 2017.

Ang mga kliyenteng nais magpanatili ng open positions sa nalalapit na General Election sa New Zealand at Federal Election sa Germany ay dapat siguruhin na ang kanilang trading accounts ay sapat na napondohan para maiwasan ang anumang pagkakagulo mula sa posibleng margin calls at/o stop-outs sa kanilang pag-trade.