Dumalo ang XM sa Invest Trade Fair 2017 sa Germany

Ipinaskil Abril 11, 2017 ng 8:42 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Noong ika-7 at ika-8 ng April ang isa sa mga pinakatanyag na pangpinansyal na eksibisyon ay ginanap sa Stuttgart, Germany, na ikinatutuwang salihan ng XM: ang Invest Trade Fair at Congress para sa Finance at Investment.

Ang dalawang araw na event ay naghikayat ng napakaraming exhibitors mula sa investment banking, pangpinansyal na serbisyo, trading, pati na rin ng sektor ng securities exchange, at napakaraming dumalo dito.

Bilang isa sa mga nangungunang brokers ngayon, pinatunayan ng XM ang presensya nito sa prestihiyosong event sa pamamagitan ng pagkilala sa maraming mga prospektibong kliyente at online investors na interesado sa mga serbisyo na binibigay namin sa aming mga kliyente, pati na rin sa mga partners at tagapaghikayat ng negosyo. Kasabay ng mga bagong produktong inilunsad na idinisenyo para pabutihin ang pag-iinvest online, kagaya ng posibilidad na mag-trade ng CFDs sa indibidwal na stocks sa mas pinagandang MT5 platform, at serye ng mga pagpapabuti para sa kapakanan ng aming mga kliyente. Ikinatutuwa ng XM na dumalo sa Invest at makipag-ugnayan muli sa aming mga kasalukuyan at bagong mga kliyente.

Nais naming pasalamatan lahat ng mga bumisita sa opisyal na XM exhibiting booth, at nais naming bumalik sa Germany sa hinaharap.