Inilunsad ng XM ang MT5 na may CFDs sa Single Stocks

Ipinaskil Marso 6, 2017 ng 12:25 PM GMT. Magbasa Pa Balita

Ngayon, ika-6 ng March, opisyal na inaanunsyo ng XM na matagumpay nitong inilunsad ang MT5 platform, matapos ang serye ng mga tests para siguruhin na ang karagdagang platform ay higit na konektado sa lahat ng mga kasalukuyang sistema.

Ang adisyon na ito ay magbibigay-daan para palawakin ng XM ang serbisyo nito sa 6 Asset Classes, kabilang na ang CFDs sa Single Stocks (Shares) kasabay ng mga kasalukuyang serbisyo kagaya ng FX, CFDs sa Indices, Metals at Energies.

Ngayong araw ay isa na namang katuparan na hindi nararanasan araw-araw ng mga kumpanya.

Chris Zacharia, Marketing Director ng XM Group

Ito ay isa na naman sa mga hinihintay namin sa mahabang panahon, at naniniwala talaga ako na isa itong game changer para sa XM, na siyang gumagawa ng mga unang hakbang sa pagpapalawak ng mga instrument nito kasabay ng stocks.

Ang aming plano ay para palawakin ang mga instrument na aming inaalok sa hanggang 5000 CFDs sa single stocks mula sa mga kumpanya sa buong mundo na naka-lista sa iba’t-ibang stock exchanges kagaya ng, ngunit hindi limitado sa, NYSE, Nasdaq, LSE, Frankfurt Stock Exchange, at higit pa.

Ang kasalukuyang paglunsad, na opisyal naming inaanunsyo ngayon, ay nagtataglay ng 300 instruments at unti-unti pa naming dadagdagan ito sa hinaharap.

Kagaya ng sinabi ko sa nakaraang panayam, pakiramdam ko na ang sinundan ng MT5, ang tanyag sa buong mundo na MT4, ay isang napakahusay na platform, ngunit kaya lang nitong tugunan ang mga pangangailangan ng mga piling kliyente, ang mga FX traders, habang ang MT5 ay bukas sa lahat ng iba pang mga kliyente at hindi lang ng mga FX traders.

Sa mga kliyente nito, ito ay magsisilbi bilang multi-asset class platform, na para sa akin ay ang pinakamahusay na platform sa ngayon.

Tayo ay pumapasok na sa bagong kapanahunan.”