Nagbabalik ang XM sa China para sa Libreng Forex Seminar

Ipinaskil Enero 13, 2017 ng 12:55 PM GMT. Magbasa Pa Balita

Ang forex instructor na si Mario Pashardes at ang mga kinatawan ng XM ay magbabalik sa China sa March para sa libreng forex seminar na pinamagatang Directional Movement at Candlestick Reversal Patterns.

Gaganapin sa The Westin Shenzhen Nanshan hotel sa ika-11 ng March sa Shenzhen, ang seminar ay naghihintay para sa mga online investor mula sa rehiyon na nais magkaroon ng kaalaman tungkol sa market trending at price action, kabilang na ang praktikal na paggamit ng iba’t-ibang mga modernong teknik na ginagamit sa pagtukoy ng trend at pagpasok sa trend momentum.

Maliban sa tamang paggamit ng mga indicator at price action, ipapakita ni Mario Pashardes ang mga paraan kung paano tukuyin ang pinakamagandang entry at exit points sa pamamagitan ng paggamit ng mga Tradepedia automated trading tools.

Sa pang-umaga at panghapong sesyon ng seminar, lahat ng mga dadalo ay makakatanggap ng serye ng mga trading tools na ginawa para mapabuti ang directional market movements, bigyang kahulugan ang candlestick patterns nang mas tama at tukuyin ang entry at exit points.

Lahat ng aming mga kliyente na interesadong makilala kami sa Shenzhen at dumalo sa XM seminar ay makakasali din sa XM Lucky Draw matapos ang event, na mamimigay ng mga cash na premyo sa mga masuwerteng mananalo.

Ang parehong paksa ng seminar ay ipe-presenta din sa Beijing, at ang lugar at petsa nito ay malapit nang i-anunsyo sa aming website.

Para sa karagdagang impormasyon at para mag-rehistro na sa Shenzhen seminar, at para malaman ang detalye ng nalalapit na event sa Beijing -> mag-click dito.