Napakahalagang Notipikasyon

Ipinaskil Hulyo 10, 2015 ng 10:34 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Ang kasalukuyang mga kaganapan sa Greece at ang nalalapit na EU Summit na magaganap sa Sunday, ika-12 ng July 2015, ay maaaring magresulta sa abnormal na market conditions at posibleng pagkagulo sa market nang may mataas na market volatility, maliit na market liquidity, abnormal spreads at pricing gaps.

Para protektahan ang Kumpanya at ang aming mga kliyente mula sa inaasahang pagkagulo sa maeket, nag-desisyon ang XM na isagawa ang mga sumusunod na tuntunin: Mula 19:00 server time (GMT+3) sa Friday ika-10 ng July 2015 (5 oras bago magsara ang market), ang pinakamataas na leverage para sa lahat ng mga account ay pansamantalang ilalagay sa 50:1 kaya’t itataas ang margin requirements sa 2%. Ang pagpalit sa margin requirements ay para sa lahat ng instruments, parehong kasalukuyang position at bagong orders.

Ang pansamantalang tuntunin na ito ay mahihinto sa Monday, ika-13 ng July 2015, sa loob ng 1 oras mula sa pagbubukas ng market at ang mga margin requirements ay awtomatikong ibabalik ayon sa nakaraang leverage settings ng iyong account.

Inaanyayahan namin kayo na suriin ang iyong mga trading position para masiguro na ang iyong account ay napondohan para maiwasan ang anumang pagkagulo sa iyong trading activity mula sa stop-outs ng iyong mga trading position.