XM Buong-pusong Nagpamahagi ng Iftar

Ipinaskil Abril 16, 2024 ng 9:43 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Sa ngalan ng pakikipagtulungan, inilunsad kamakailan ng XM ang inisyatiba nito na magpamahagi ng Iftar noong Ramadan, para suportahan ang mga nangangailangan sa panahong ito. Bilang bahagi ng aming CSR, layunin ng XM na magdala ng tuwa at ginhawa sa mga tao at pamilyang humaharap sa matinding pagdurusa.

Nakipagtulungan ang XM sa kilalang organisasyon sa Casablanca, Morocco na Association Bab Rayan, kung saan pinangako namin ang donasyon na $2,000 para makapagbigay ng masustansyang Iftar sa mga ulila at kapus-palad. Sumasalamin ang inisyatibang ito sa dedikasyon ng XM na makapagdala ng positibong epekto sa mga komunidad na sinisilbihan nito.

Inilunsad ang Association Bab Rayan noong 2014 na may suporta ng Hari ng Morocco, at nakatutok ito sa iba’t-ibang inisyatiba sa pagtulong sa lipunan. Mula sa pagprotekta sa mga bata at pagbibigay ng edukasyon, hanggang sa vocational training at iba pang pakikipagtulungan, sumusuporta ang organisasyon sa pagpapaunlad ng mga naghihikahos na komunidad sa buong Morocco.

Sa XM, ipinagmamalaki naming makatulong dito sa isang marangal na layunin, at kaisa kami ng Association Bab Rayan sa misyon nilang makapagdala ng positibong pagbabago sa buhay ng iba.

Para sa iba pang impormasyon tungkol sa Association Bab Rayan at ang mga inisyatiba nito, pakibisita ang kanilang website sa www.babrayan.ma.