Donasyon ng XM Nakatulong sa mga Bata sa Vietnam

Ipinaskil Agosto 2, 2023 ng 7:35 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Ipinagmamalaki ng XM ang pagbibigay ng donasyon sa Care to Rise program.

Ang Care to Rise program ay pinagsamang inisyatiba ng VinaCapital Foundation at ng Ho Chi Minh Communist Youth Union.

Nagbibigay ito ng medikal na tulong at suporta para sa mga naulila at mahihirap na kabataan sa Vietnam na lubhang naapektuhan ng pandemyang COVID-19.

Gagamitin ang donasyon namin para pondohan ang mga inorganisang aktibidad para ipa-check up ang 1,000 bata at magpamigay ng medisina sa District 8 sa Ho Chi Minh City.

Ang medikal na pagsusuri ay gagawin ng mga doktor, guro, at boluntaryo, at makakatulong para tukuyin ang mga batang may problema sa kalusugan at kaisipan. Ang mga batang mangangailangan ng mas masinsinang kalinga ay ire-refer sa mga naaangkop na doktor.

Ang Care to Rise program ay pinondohan gamit ang donasyon ng mga indibidwal at organisasyon, at hinihikayat ka naming suportahan itong napakahalagang adhikain.

Pwede kang magbigay ng donasyon dito.

Mababasa mo ang tungkol sa Care to Rise program dito.