Nanalo Ulit ang XM sa Ika-4 na Sunod na Taon

Ipinaskil Oktubre 7, 2022 ng 9:25 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Sa ikaapat na sunod na taon, napanalunan ng XM ang prestihiyosong titulo na Pandaigdigang Forex Broker ng Taon sa Global Forex Awards 2022 – Retail.

Maliban dito, inuwi rin namin ang parangal na Pinakamagaling na Customer Support sa Forex Trading. Ang dalawang titulong ito ay sumasalamin sa aming patuloy na pagsisikap na magbigay ng pinakamahusay na serbisyo at karanasan para sa aming mga kliyente.

Ang pinakabagong pagkilala na ito ay pagpapatibay sa isang napakatagumpay na taon, matapos kaming gawaran ng parangal ng The Fin Expo Egypt at COLWMA awards.

Ang Global Forex Awards ay isa sa mga nangungunang lupon sa industriya ng forex na may 58 pandaigdigan at rehiyonal na kategorya na sumasakop sa Africa, Asya, Europa, at Gitnang Silangan. Ipinagdiriwang at binibigyang-pugay nito ang mga kumpanyang nagtutulak sa kanilang hangganan, pati ang mga nagpapakilala ng mga makabago at mas magandang paraan ng pag-trade ng forex. Nasa ikalimang taon na ito at nakalikom na ng libo-libong boto sa pampublikong botohan na isinagawa nitong buong Hulyo 2022.

Nagpapasalamat kami sa Global Forex Awards sa pagkilala ng aming pagsusumikap na bumuo ng kapaligiran na tinatangkilik at pinagkakatiwalaan ng mga trader.