Nanalo ang XM sa The Fin Expo Egypt 2022

Ipinaskil Setyembre 1, 2022 ng 8:20 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Nitong Mayo, nanalo ang XM ng dalawang malaking parangal bilang Pinakamagandang Mobile App at Pinakamagandang Crypto CFDs sa The Fin Expo Egypt 2022 sa Cairo!

Sinuportahan ng XM ang expo bilang Titanium sponsor at matagumpay na ipinresenta ng aming mga eksperto ang Fundamental vs. Technical Analysis at Algorithmic Trading sa sesyon ng mga tagapagsalita. Nagtipon-tipon ang mga nangungunang kumpanya at propesyonal sa industriya ng pamumuhunan para alamin ang mahahalagang paksa sa pag-trade at baguhin ang kinabukasan ng forex sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga tagagawa ng desisyon.

Patuloy naming pinapabuti ang aming mga produkto at serbisyo, at lubos naming pinagsisikapan ang aming app at crypto CFDs. Ito ang dahilan kung bakit ipinagmamalaki nang husto ng buong XM team ang mga parangal na ito.

Binuo namin ang madaling gamitin na XM – Trading Point app kung saan pwedeng mag-trade at ma-access ang lahat ng benepisyo na binibigay namin sa mga kliyente sa loob ng iisang click. Kung gusto mo itong subukan, pwede mong i-download ang app mula sa App Store o Google Play.

Gusto naming pasalamatan ang komite ng The Fin Expo Egypt 2022 para sa mga parangal at pinasasalamatan din namin ang mga kliyente at partner dahil sa patuloy niyong pagsuporta. Makakaasa kayo na pinapatotohanan nitong parangal ang landas namin sa pagbibigay palagi ng pinakamahusay na serbisyo.