XM Nag-uwi ng 5 World Finance Forex Awards

Ipinaskil Hulyo 10, 2023 ng 9:48 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Nasasabik kaming ibalita na nanalo kami ngayong taon ng 5 parangal mula sa World Finance Forex Awards, kabilang ang Pinakamagaling na Customer Service sa Forex.

Bukod dito, nakatanggap din ang XM ng mga rehiyonal na parangal: Pinakamagaling na Forex Broker sa Europa, Pinakamagaling na Forex Broker sa Australasia, Pinakamagaling na Forex Broker sa Latin America, at Pinakamagaling na Forex Broker sa Gitnang Silangan.

Lubos naming pinapahalagahan ang aming mga kliyente sa buong mundo at nakapagtaguyod na kami ng mga dedikadong pangkat para mag-alok ng tunay at lokal na karanasan. Dahil dito, ipinagmamalaki namin ang mga iginawad na parangal at isinasapuso namin ang diwa nito.

Kilala sa industriya ang World Finance Forex Awards at pinaparangalan nito ang mga nagtatagumpay sa mundo ng pananalapi. Isang malaking karangalan na mahanay kasama ng ibang nirerespetong kumpanya, at ang pagkilala sa pagsisikap naming serbisyuhan ang mga kliyente.

Higit sa lahat, pinasasalamatan namin ang mga kliyente dahil sa pagtangkilik at patuloy ninyong pagtitiwala. Kayo ang dahilan kung bakit patuloy naming pinapabuti ang aming mga produkto at serbisyo.

Kung naghahanap ka ng kilala at award-winning broker, sumali na sa XM.