XM Pinakain ang mga Nagugutom sa South Africa

Ipinaskil Setyembre 23, 2022 ng 7:50 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Dumalo kami kamakailan sa Mandela Day 2022 sa Cape Town, South Africa, na tumuon ngayong taon sa pagpapakain sa mga lokal na komunidad para gunitain ang makataong misyon ni Nelson Mandela.

Tuwing Mandela Day, hinihikayat ang lahat na maglaan ng 67 minuto para gumawa ng kabutihan sa komunidad, sa anyo man ito ng pagboboluntaryo o pagbibigay ng donasyon. Ang event ngayong taon ay tungkol sa seguridad ng makakain at pagbabago ng klima.

Nakibahagi ang mga boluntaryo ng XM sa pamimigay ng pagkain. Pinamunuan ito ng organisasyon na Ladles of Love, na nagpakain sa daan-daang libong tao sa loob ng isang linggo.

16 na boluntaryo ng XM ang tumulong sa mahigit 2,000 tao na nagpamigay ng pagkain sa mga nagugutom. Lubha itong nagtagumpay na nagresulta sa:

  • Mahigit 120,000 sandwich na naipamigay
  • Higit 4 na tonelada ng sariwang gulay na naihanda
  • Donasyon na 88,000 de-latang pagkain
  • Mahigit 1.5M ZAR na nalikom

Ang Ladles of Love ay isa sa mga pinakasikat na organisasyon sa South Africa. Sinusuportahan nito ang mga kusinang bayan, paaralan, panlipunang kawanggawa, at iba pang non-profit na organisasyon. Sa pamamagitan ng pamamahagi sa kanila ng pagkain at gamit, mas marami pang mahihirap ang naaabot at nabibigyan ng tulong. Simula Marso 2020, nakapaghain na sila ng mahigit 29 na milyong tanghalian sa pamamagitan ng kanilang mga benepisyaryo.

Kung gusto mong magbasa pa tungkol sa ginagawa ng Ladles of Love sa mga komunidad sa South Africa at magbigay ng donasyon, pumunta sa kanilang website.