Bibisitahin ng XM ang Mexico City para sa Forex Trading Seminar

Ipinaskil Abril 25, 2017 ng 10:34 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Sa ika-17 ng June, isa sa mga pangunahing pangpinansyal na sentro sa hilagang Amerika ang susunod na destinasyon para sa libreng forex seminar na iho-host ng XM: Mexico City.

Kasabay ng pakikipag-ugnayan sa tanyag na Academia de Mercados, magho-host ang XM ng isang araw na seminar at workshop sa kapital ng Mexico sa pinaka-unang pagkakataon, na napakaimportante sa amin gaya ng sa Timog Amerika.

Ang event ay isasagawa sa NH Collection Reform Hotel, Mexico City, kung saan sasalubungin ng mga kinatawan ng aming kumpanya ang mga dadalo sa seminar na ipe-presenta ng Academia de Mercados. Ito ay isang okasyon na maraming maidudulot sa mga online investors na interesado sa intraday forex trading strategies na ginawa para tukuyin ang market trending at price action.

Lahat ng mga nais kaming samahan sa Mexico City ay magkakaroon ng kaalaman tungkol sa mga teknik sa day trading na napakahalaga ngayon sa online forex at CFD trading. Sa presentasyon, bibigyang halaga din ang trading psychology at risk management, dahil parehas itong importante sa proseso ng pag-trade.

Para sumali sa forex seminar sa Mexico City sa ika-17 ng June, mag-click dito para magbasa pa tungkol sa paksa at makapag-rehisto na kaagad.