Pupunta ang XM sa Kuala Lumpur para sa Libreng Seminar

Ipinaskil Disyembre 27, 2016 ng 8:16 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Sa ika-11 ng February, babalik ang XM sa kapital ng Malaysia, Kuala Lumpur, para sa libreng forex seminar na idinisenyo para sa mga investor na nais matuto kung paano bigyang kahulugan ang mga pagbabago sa market at tukuyin ang mga trend sa tulong ng technical analysis.

Ipe-presenta ng Chief Market Strategist ng Tradepedia na si Mario Pashardes, ang event ay iho-host ng XM sa InterContinental Kuala Lumpur, at sasalubungin nito lahat ng mga kliyente ng XM sa isang presentasyon na maraming maitutulong sa sinumang investor, baguhan man o may karanasan na.

Papalawigin ng seminar ang kahalagahan ng market trending at mga teknik para tukuyin ang kalakasan ng mga nangungunang trend, na may espesyal na pagtatalakay sa ADX indicator at mga pamamaraan para bigyang kahulugan ang candlestick reversal patterns.

Ang mga kliyente ng XM na dadalo sa seminar ay magkakaroon din ng kaalaman tungkol sa automated trading tools na ginawa ng Tradepedia Trading Academy, na tumutulong sa mga online investor para makita ang mga market trend sa price action trading.

Ang mga miyembro ng XM team na nasa event, kasama ng forex instruktor na si Mario Pashardes, ay nais nang makilala ang aming mga kliyente sa Kuala Lumpur seminar.

Para sa karagdagang mga detalye at para sa maagang rehistrasyon mangyaring mag-click dito.