Bibisita ang XM sa Greece para sa Seminar tungkol sa Swing Trading

Ipinaskil Setyembre 21, 2016 ng 6:51 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Ngayong November bibisita ang XM sa dalawang lokasyon sa Greece para sa bagong libreng seminar tungkol sa swing trading.

Gaganapin sa Electra Palace Hotel sa Thessaloniki sa ika-4 ng November at sa Electra Palace Athens Hotel sa Athens sa ika-5 ng November, ang seminar ay ipe-presenta ng Certified Financial Technician na si Avramis Despotis, na tanyag sa buong mundo at kinikilala para sa kanyang mga ini-host na seminar at workshop sa iba’t-ibang bansa sa buong mundo.

Ang seminar na pinamagatang Introduction to the Avramis Swing Trading, na ipe-presenta sa parehong Thessaloniki at Athens, ay nagpapakay para ipakilala ang mga trader sa isang serye ng mga teknik na ginagamit sa swing trading, kabilang ang technical analysis.

Para sa mga bago pa lang sa online investing o nais matuto ng kaalaman sa swing trading, ang isang araw na libreng seminar ay maraming maidudulot. Mula sa konsepto ng market trending at price movements hanggang sa mga pinaka-importanteng hakbang sa pagpili ng tamang instrument para i-trade at sa paglagay ng mga take-profit orders, ang mga dadalo ay magkakaroon ng mga magagamit na trading tools na kailangan sa swing trading. Ang highlights ng bawat seminar ay ang pagpapakilala ng mga Tradepedia proprietary tools na ginagamit para makita ang mga trend, kilatisin ang pinakamagandang entry at exit points, at i-manage ang risk.

Para sa maagang rehistrasyon, at para tingnan ang detalye ng seminar at lugar ng event -> mag-click dito.