Bibisita ang XM sa Hilagang Italy para sa isang Forex Trading Seminar

Ipinaskil Hulyo 19, 2017 ng 7:24 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Ang Hilagang siyudad sa Italy na Bergamo ay ang lokasyon ng nalalapit na libreng seminar ng XM sa ika-2 ng September ngayong taon, na idinisenyo para sa mga trader na nais palawigin ang kanilang kaalaman tungkol sa mga teknik sa forex at CFD trading.

Sasalubungin ng presenter na si Lorenzo Sentino, kasama ng mga kinatawan ng XM, ang mga dadalo sa seminar na gaganapin sa Starhotel Cristallo Palace, kung saan magbibigay siya ng presentasyon tungkol sa paggamit ng mga technical analysis tools na mahalaga sa pagtukoy ng trends at pagsasagawa ng tamang desisyon pag dating sa pag-invest sa forex at CFDs.

Maliban sa mga pinaka-simpleng konsepto ng global financial markets, ang mga dadalo sa seminar ay magiging pamilyar din sa mga serye ng trading tools, tulad ng paggamit ng charts at indicators, na ipapakita ni Lorenzo Sentino sa pamamagitan ng mga praktikal na halimbawa.

Ang seminar ay magtatapos sa isang XM Lucky Draw, na magbibigay ng mga eksklusibong premyo sa mga maswerteng mananalo, at ang unang premyo ay ang pagmamaneho ng dalawang laps sa isang Ferrari 488 GTB.

Nais na naming salubungin ang lahat ng mga nais magkaroon ng mahahalagang kaalaman tungkol sa forex at CFD trading sa Bergamo sa ika-2 ng September.

Para sa detalyadong paglalarawan ng seminar at para mag-rehistro na sa event, mag-click dito.