Nakilahok ang XM sa The Forex Day Expo

Ipinaskil Hulyo 3, 2018 ng 10:08 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Simula nitong 2018, nakadalo na ang XM sa magkakaibang expo sa iba’t-ibang parte ng mundo, kung saan ang pinakabago sa mga ito ay sa The Forex Day Expo sa Madrid, Spain.

Ang The Forex Day ay isinagawa noong June 23 sa LASEDE event center sa Madrid, kung saan dumalo ang napakaraming bilang ng kumpanya at mga indibidwal na bisita para malaman ang mga pinakabago sa pangpinansyal na industriya, at para makilala ang mga exhibitors sa personal.

Gaya ng dati, ikinatutuwa ng mga kinatawan ng aming kumpanya na makadalo sa The Forex Day; at maliban sa pagpapakilala ng aming mga serbisyo sa online investors na interesado sa XM, masaya din kami na makilala ang bawat isa sa kanila para pag-usapan ang kanilang mga pangangailangan sa pag-invest.

Ang The Forex Day, na siyang pinakamalaking pangpinansyal na expo sa Spain, ay nagbigay na naman ng kakaibang oportunidad para sa mga taga pangpinansyal na industriya at pagbabangko para makipag-ugnayan, makipagpalitan ng ideya at makilahok sa mga propesyonal na pagpupulong. Para mabigyan ang mga dumalo ng pangunang impormasyon tungkol sa online trading, nagsagawa ang XM ng mga presentasyon sa aming opisyal na exhibition booth. Kabilang sa mga paksang tinalakay ay ang paggamit ng technical analysis sa pag-trade ng iba’t-ibang mga instrument, nang may espesyal na tuon sa mga indicator para makasunod sa mga trend.

Kaya naman, nais naming pasalamatan lahat ng mga nakilala namin sa personal para sa kanilang interes sa XM at para sa pagdalo sa aming mga seminar.

Sa mga larawan sa ibaba makikita ang pagdalo ng XM sa The Forex Day.