Lumahok ang XM sa Money Show Expo sa Thessaloniki

Ipinaskil Mayo 16, 2018 ng 7:17 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Sa pangalawang pagkakataon ngayong taon, dumalo ang XM sa Money Show expo sa Greece, na isinagawa naman ngayon sa siyudad ng Thessaloniki sa pagitan ng April 27 at 29.

Ang tatlong araw na event ay isinagawa sa Hyatt Regency Hotel noong April 27, 28 at 29, kung saan opisyal na sponsor ang XM.

Ang mga kinatawan ng aming kumpanya na nasa XM exhibition booth ay nagkaroon ng oportunidad na makipagpalitan ng ideya sa mga online investors na interesado sa mga serbisyo ng XM. Importante ito para sa amin dahil itinuturing namin ang pakikitungo sa mga kliyente bilang isang napakahalagang katangian ng XM.

Ang Money Show ay may pangunahing layunin para pagsama-samahin ang mga pangpinansyal na kumpanya, bangko at mga retail investors. Hindi lamang ipinakita ng XM ang mga serbisyo at produkto nito, ngunit nagbigay din ito ng mga presentasyon sa XM booth tungkol sa iba’t-ibang mga paksa sa forex at CFD trading. Ang mga paksa ay tumalakay sa iba’t-ibang paggamit ng technical analysis tools, gaya ng pag-trade gamit ang Moving Average Ribbon, Japanese candlesticks, ang Bollinger Bands, at marami pang iba. Higit pa dito, noong April 29, may intensibong seminar na isinagawa ang instruktor na si Charalambos Spyridis tungkol sa pag-trade ng stock CFDs sa Greece na makikita sa MT5 platform ng XM, na sinundan ng detalyadong pagsusuri sa market para sa taong 2018.

Natutuwa kaming makipag-ugnayan muli sa marami sa aming mga kliyente at partner sa Money Show, pati na sa mga bagong kliyente na nagpakita ng interes sa XM.

Sa kabila ng XM, nais naming pasalamatan lahat ng bumisita sa amin sa Thessaloniki. Makikita sa mga litrato sa ibaba ang mga nangyari sa Money Show expo.