Dadalo ang XM sa World of Trading sa Frankfurt

Ipinaskil Oktubre 13, 2017 ng 6:00 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Sa ika-17 at ika-18 ng November 2017, dadalo ang XM sa isa sa mga pinakamalaking pangpinansyal at investment na exhibition sa Germany, ang World of Trading, na isasagawa sa Frankfurt.

Ang prestihiyosong dalawang-araw na event ay gaganapin sa Forum der Messe na nasa isa sa mga pinakamahalagang pangpinansyal at pang-ekonomiyang sentro ng Germany, ang Frankfurt.

Ang World of Trading ay idinisenyo para pagsama-samahin ang parehong mga indibidwal na investors at mga malalaking pangpinansyal na institusyon, at makapagbigay ito ng pagkakataong makipagpalitan ng mga ideya, networking at propesyonal na workshops na may kinalaman sa online financial investment.

Kahit na hindi ito ang unang pagkakataon na makakapunta ang XM sa Germany, ang nalalapit na event ay importante sa kasaysayan ng aming kumpanya. Ang kinatawan ng XM na dadalo sa event ay nais nang salubungin ang mga bisita sa opisyal na XM exhibition booth blg. 17, kung saan ipapakita ng XM ang mga serbisyo at pinakabagong produkto nito sa mga interesado sa online investing, kabilang na ang forex trading, pati na rin ang pag-trade sa iba’t-ibang assets.

Nais na naming makilala ang aming mga kasalukuyang kliyente sa World of Trading, at imbitahan ang mga prospektibong kliyente na nais pang matuto tungkol sa XM.

Mag-click dito para sa karagdagang detalye tungkol sa World of Trading.