Sumali ang XM sa 2016 Wuhan Pangpinansyal at Investment Expo

Ipinaskil Mayo 11, 2016 ng 6:56 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Matapos ang mga forex seminar na isinagawa sa iba’t-ibang lokasyon ngayong taon, sa ika-27 ng May babalik ang XM sa siyudad ng Wuhan sa Central China para sumali sa isa na namang mahalagang event na may kinalaman sa online investing: ang 2016 Wuhan Pangpinansyal at Investment Expo.

Ang tatlong-araw na pangpinansiyal na eksibisyon, na magaganap mula ika-27 hanggang ika-29 ng May, ay gaganapin sa Wuhan International Expo Center, na tanyag sa pagho-host ng mga prestihiyosong mga event para sa pang-lokal at internasyonal na exhibitors mula sa industriya ng pangpinansyal at banking..

Sa mga nakalipas na taon, sumali ang XM sa iba’t-ibang mga pangpinansyal na expo, kabilang na ang mga mahahalagang expo sa China. Ang nalalapit na event sa Wuhan ay isa na namang magandang pagkakataon para ipakita ng XM ang mga serbisyo nito sa mga bisita, makipag-ugnayn sa mga kasalukuyang kliyente na dadalo sa tatlong araw ng expo, at higit sa lahat ipakilala ang mga prospektibong kliyente sa mga kustomisadong serbisyo na maibibigay ng XM sa parehong baguhan at may karanasang mga trader.

Nais anyayahan ng mga opisyal na kinatawan ng aming kumpanya na nasa event ang mga bibisita sa XM exhibiting booth no. N25, kabilang na ang mga kliyente ng XM na nais kaming makilala nang personal at makipag-ugnayan sa mga miyembro ng XM.

Para sa karagdagan impormasyon sa 2016 Pangpinansyal at Investment Expo mangyaring mag-click dito.