Pupunta ang XM sa Expo na Invest 2019 sa Stuttgart

Ipinaskil Marso 6, 2019 ng 8:07 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Sa ika-anim na pagkakataon, dadalo ang XM sa isa namang internasyonal na pinansyal na expo sa Germany, ngayon naman sa Invest Expo at Kongreso sa Pananalapi at Pamumuhunan, na gaganapin sa Abril 5-6, 2019.

Ito na ang ikatlong pagkakataon na pupunta ang XM sa Invest, na isang malaking kaganapan na inorganisa para sa pakikilahok ng magkakaibang kumpanya na direktang makikisalamuha sa mga bisita, para sa layuning makipag-ugnayan tungkol sa kanilang mga pakay sa pag-invest at indibidwal na pangangailangan sa negosyo.

Taun-taong isinasagawa ang dalawang araw na Invest, at gaganapin sa Messepiazza 1 sa Stuttgart ngayong Abril 5 at 6. Ito ay itinuturing na pinakamalaking expo sa rehiyon na nagsasalita ng Aleman, na nagtitipon sa mga kumpanya na nasa industriya ng pagbabangko, pananalapi, insurance, pati na ng mga indibidwal na bisita.

Katuwang ng iba’t-ibang mga kumpanya sa pinansyal na serbisyo, investment trust at mga institusyon ng bangko, ipinagmamalaki ng XM ang pagpunta dito sa prestihiyosong kaganapan. Makakapagbigay ito sa amin ng oportunidad na makipagpalitan ng ideya sa mga bisita, at mapakilala ang mga serbisyo at makabagong produkto na ibinibigay namin sa mga kliyente.

Nasasabik na kaming makipag-ugnayan sa aming mga kasalukuyang kliyente sa Invest at makilala ang mga bisita sa opisyal na XM booth blg. 4E50.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Invest, mangyaring mag-click dito.