Magkakaroon ang XM ng mga Forex Seminar sa Latin America

Ipinaskil Oktubre 10, 2017 ng 11:20 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Ngayong November babalik ang XM sa Latin America para magbigay ng libreng forex trading seminar sa tatlong magkakaibang siyudad: sa Mexico City at Monterrey, Mexico, at Bogotá, Columbia.

Matapos bisitahin ang Mexico City, Mexico, para sa isang pang-edukasyonal na event nitong June, magho-host na naman ang XM ng forex trading seminar para sa mga investors sa Latin America, at ang dalawa dito ay isasagawa sa Mexico, na susundan ng seminar sa Columbia. Mag-oorganisa kami ng mga seminar dahil sa tumataas na demand ng mga traders sa Latin America na matuto pa tungkol sa forex trading gamit ang propesyonal na gabay ng XM.

Sa bawat isa sa tatlong siyudad, ang seminar na pinamagatang Mga Technical Indicators sa Forex Trading ay ipi-presenta ng tanyag na Academia de Mercados, na kasama na ng XM mula March 2017 at nakapaghikayat sa dumadaming bilang ng mga investors na dedikadong matuto sa pamamagitan ng kanilang on-site na seminars at live na arawang webinars.

Ang serye ng seminar ay maraming maidudulot sa lahat ng mga nais pabutihin ang kanilang kaalaman sa technical analysis kapag nagti-trade ng forex, partikular na sa mga may kinalaman sa paggamit ng technical indicators. Sa pabago-bagong forex markets, maliban sa madaling pag-angkop sa mga pagbabago, mahalaga din ang kaalaman sa pag-trade. Ito ang layunin ng Academia de Mercados kapag nagbibigay sila ng seminar sa mga dadalo kasama ng mga mahahalagang trading tools na ginagamit sa forex trading: ang paggamit ng technical indicators na makakatulong sa online investors na malaman kung kalian papasok at lalabas sa market at maglapat ng risk management nang mas tama. Maliban sa masinsinang pagpapakita ng technical indicators, ipapaliwanag din ng mga instruktor ng Academia de Mercados ang mga pamamaraan para makagawa ng sariling istratehiya sa pag-trade at ang kahalagahan ng pagsasagawa ng sistematikong pag-trade online.

Mag-click dito para matuto pa tungkol sa mga detalye ng nalalapit na seminar sa Mexico City, Monterrey, at Bogotá, at para makapag-rehistro na agad.