Dadalo ang XM sa Invest Financial Expo sa Stuttgart

Ipinaskil Marso 12, 2018 ng 11:55 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Mula 2013, pumupunta ang XM sa iba’t-ibang malalaking pangpinansyal na eksibisyon sa Germany, kabilang na ang Invest Trade Fair para sa Finance at Investment sa Stuttgart, kung saan ikalawang beses na namin ito.

Itinuturing bilang isa sa mga pinakamalalaking pangpinansyal na kaganapan sa Germany, ang Invest ay gaganapin sa Messe Stuttgart (Stuttgart Trade Fair) sa April 13 at 14 ngayong taon.

Kada taon, itong pretihiyosong serye ng mga pangpinansyal na event ay naghihikayat sa napakaraming bilang ng mga bisita mula sa iba’t-ibang mga bansa, at nagbibigay sa mga kumpanya ng oportunidad na ipakilala ang kanilang mga serbisyo at produkto, habang nakikipag-ugnayan nang personal sa mga dumadalo.

Ang XM ay pupunta sa Invest nang may layuning makipag-ugnayan muli sa marami sa aming mga kasalukuyang kliyente at affiliate partners, at para makilala nang personal ang lahat ng mga nais na matuto pa tungkol sa aming kumpanya. Nasasabik na kaming ipaliwanag ang aming mga pinakabagong produkto sa Germany, pati na lahat ng mga serbisyo na aming ginawa nang isinasaalang-alang ang mga pangangailangan ng mga online investors na nagsasalita ng German, gaya ng iba’t-ibang mga German stocks na maaaring i-trade sa multi-asset MT5 platform ng XM.

Mag-click dito para sa karagdagang detalye tungkol sa nalalapit na event, at para makilala kami sa personal sa opisyal na XM exhibiting booth no. 4E50 sa Stuttgart sa April 13-14.