Malapit na: Libreng XM Seminar sa Pakistan Tungkol sa Technical Analysis

Ipinaskil Mayo 9, 2019 ng 8:54 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Sa kauna-unahang pagkakataon, ngayong Hunyo 22 magsasagawa ang XM ng forex trading seminar at workshop sa pangalawang pinakamalaking lungsod sa Pakistan, ang Lahore, para makapagbigay ng libreng edukasyon sa mga nag-i-invest na gustong magkaroon ng oportunidad na pabutihin ang kanilang kasanayan sa pag-invest online, sa tulong ng propesyonal na gabay.

Gaganapin sa Pearl Continental Hotel Lahore, ang seminar ay may libreng rehistrasyon para sa lahat ng mga kasalukuyan at bagong kliyente ng XM, at nasasabik na ang mga kinatawan ng aming kumpanya na makilala sila sa personal. Ang paksang pinamagatang Pag-trade ng Forex gamit ang Reversal Candlesticks at Avramis River ay tatalakayin ng tagapagturo na si Sajid Khan Ghori, na may ilang taong karanasan sa pag-trade at pagtuturo ng forex.

Dahil ang Japanese candlestick charts ay isa sa mga pinakamahusay at pinakamadalas gamiting technical analysis tool ng mga nag-i-invest online, ang presentasyon ni Sajid Khan Ghori ay tutuon sa kung paano ito magagamit para matukoy ang direksyon ng presyo at masukat ang momentum ng market sa intraday trading. Higit pa, ipapakita niya ang paggamit ng ilan sa technical indicators, kabilang ang Avramis River indicator, na maaring magamit para malaman ang mga market na nagri-range, at mga pinansyal na instrument na malakas mag-trend.

Para magbasa pa tungkol sa nalalapit na seminar at makapag-rehistro na kaagad nang libre, mangyaring mag-click dito.