Hindi nagbibigay ng serbisyo ang XM sa mga residente ng Estados Unidos.
Natutuwa kaming ibalita na sa Abril 12 pupunta ang XM sa FPG MoneyExpo, isang pinansyal na expo sa Prague, Czech Republic, kung saan nasasabik na kaming makilala ang marami sa mga kasalukuyan at prospektibo naming kliyente.
Ang taunang trade fair ay gaganapin sa ika-siyam na sunud-sunod na taon sa Na Strži 1702 Conference Center, Prague. Ito ay magiging propesyonal na lugar sa pagpupulong ng mga pinansyal na institusyon na magpapakita ng kanilang mga serbisyo, at mga bisita na interesadong makipag-ugnayan sa mga kumpanya at matuto sa kung ano ang kanilang mga mai-aalok.
Inaasahan ang pagdalo ng maraming mga kumpanya mula sa Gitna at Silangang Europa, pati na sa iba pang mga bansa, kabilang ang napakaraming bilang ng mga retail na trader at indibidwal na interesado at mahilig sa pag-i-invest online. Bagama’t ito ang unang pagkakataon na pupunta ang XM sa expo na ito sa Czech Republic, inaasahan naming makilala ang mga kliyenteng naging tapat na sa XM sa loob ng maraming taon, at makilala ang iba pang mga trader na gusto kaming personal na makita sa opisyal na XM booth blg. 4.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa FPG MoneyExpo, mangyaring bisitahin ang website dito.
Babala sa Risk: Maaaring malugi ang iyong kapital. Maaaring hindi nababagay sa lahat ang mga produktong naka-leverage. Mangyaring isaalang-alang ang aming Pahayag sa Risk.