Hindi nagbibigay ng serbisyo ang XM sa mga residente ng Estados Unidos.
Noong Marso 11, nakipagtulungan kami sa Human Initiative sa Indonesia para mag-organisa ng programang tinawag na “Mamili ng Gamit Kasama ng mga Naulila” sa Transmart Cempaka Putih sa Gitnang Jakarta. Ang pangunahin naming layunin ay maibsan ang pinansyal na pangangailangan ng mga batang ulila na nakatira dito.
Sa kabuuan, nakapagbigay kami ng mga voucher sa 30 ulila na galing sa 4 na paaralan na sinusuportahan ng Human Initiative: 10 mula sa SDIT Al Amanah, 5 mula sa SDIT Al Mubarok, 5 mula sa SDIT Perjuanganku, at 10 mula sa SDIT Tunas Muda. Nagkaroon silang lahat ng pagkakataong pumili ng mga bagay na kailangan nila tulad ng mga kagamitang pang-eskwela, damit, o pagkain.
Ang inisyatibang ito ay bahagi ng patuloy naming pagsisikap na alalayan ang mga naghihikahos, tulad ng mga batang may mabibigat na pasanin. Naniniwala kami na nakakapagdulot ng pagbabago ang mga ganitong simpleng gawain at nakakapagbigay din ito ng ngiti sa kanilang mga mukha!
Katuwang namin ang organisasyong Human Initiative sa Indonesia na may mahigit 3,000 boluntaryo sa 13 bansa. Rehistrado ang institusyong ito sa European Union para sa mga panlipunang programa, at sa United Nations Economic and Social Council bilang NGO na may Special Consultative Status. Alamin ang tungkol dito at mag-donate sa link na ito.
Babala sa Risk: Maaaring malugi ang iyong kapital. Maaaring hindi nababagay sa lahat ang mga produktong naka-leverage. Mangyaring isaalang-alang ang aming Pahayag sa Risk.