Sinusuportahan ng XM ang Fundraiser ng RMHC

Ipinaskil Pebrero 22, 2022 ng 2:03 PM GMT. Magbasa Pa Balita

Natutuwa kaming magkaroon ng oportunidad na makatulong sa pagtatayo ng pinakaunang pasilidad ng Ronald McDonald House Charities sa Nicosia, Cyprus, sa pamamagitan ng pakikilahok sa fundraiser ng Radisson Blu Larnaca International Marathon noong Nobyembre 21, 2021.

Malaking bahagi sa corporate social responsibility ng XM ang pagtulong sa mga pamilya. Ang misyon ng Ronald McDonald House Charities na masigurong makakatira sa kalapit na tahanan nang libre ang pamilya ng mga naospital na bata ay isang marangal na layunin na handang tulungan ng XM.

Sa ngalan ng XM, maraming staff ng kumpanya ang lumahok sa 5-km corporate team race para ipahayag ang kanilang pakikiisa sa Ronald McDonald Charity House, pati na ang kanilang kagustuhang tumulong sa isang karapat-dapat na layunin. Salamat sa fundraising na ito, malapit nang magbukas ang tahanan na ito para sa pamilya ng mga naospital na bata sa kalapit na Archbishop Makarios III Hospital sa kapital ng Cyprus.

Kung gusto mo ring makatulong dito, mag-ambag sa pondo ng RMHC dito.