Suporta ng XM sa Edukasyon ng mga Bata sa Mexico

Ipinaskil Oktubre 6, 2022 ng 9:14 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Nag-organisa kamakailan ang XM ng isang event sa Panamerican University para itaguyod ang edukasyon ng mga batang nagmula sa mga maralitang pamilya sa Mexico City.

Karaniwang napipilitan ang mga mahihirap na pamilya na unahin ang mga pangangailangan tulad ng pagkain at matitirahan, kaysa sa paaralin ang kanilang mga anak. Maraming bata ang tumitigil sa pag-aaral dahil hindi makayanan ng kanilang pamilya na bumili ng mga pangunahing gamit pang-eskwela, kaya nililimitahan nito ang pagkakataon nilang magkaroon ng mas magandang kinabukasan.

Para tulungan ang mga batang ito sa Mexico City at bigyang-diin ang kahalagahan ng pagpapatuloy ng kanilang edukasyon, nagbigay kami ng donasyon sa Panamerican University. Tinulungan namin silang mag-organisa ng Family Day, kung saan masayang nakapaglaro at nanalo ng premyo ang mga bata, sumayaw, naghampas-palayok, at nanood ng mga pelikula.

Maliban dito, nag-donate rin ang Panamerican University ng 300 bagong backpack na punong-puno ng mga gamit pang-eskwela tulad ng mga colored pencil, pantasa, pambura, gunting, lalagyan ng lapis, pati na ng mga baunan at termos.

Naniniwala kami na lahat ng bata ay karapat-dapat makatanggap ng edukasyon, anuman ang kanilang kinatatayuan sa buhay. Kaya naman, ang mga donasyon tulad nito ay maaaring magbigay ng pangmatagalan at positibong epekto sa buhay ng mga naghihikahos.

Kung gusto mo ring suportahan ang mga batang nagmula sa mga kapus-palad na pamilya sa Mexico City, bisitahin ang website ng Panamerican University.