Suportado ng XM ang mga Nilindol sa Cianjur

Ipinaskil Nobyembre 27, 2023 ng 12:42 PM GMT. Magbasa Pa Balita

Sama-sama tayong babangon laban sa mga nakapamiminsalang kalamidad. Kamakailan, nakipagtulungan ang XM sa NGO na Human Initiative para suportahan ang mga nanay at bata na nakaligtas sa matinding lindol na tumama sa Cianjur.

Inilunsad ng XM at ng Human Initiative ang programang SAGITA, na nangangahulugang “Kaibigan sa Kalusugan”. Layunin nitong turuan ang mga bata tungkol sa pagkain at pagpapabuti ng kanilang nutrisyon. Nakilahok ang mga kababaihan sa pagluluto, at nagustuhan nilang lahat ang mga ibinigay na pagkain tulad ng itlog, patatas, sitaw, manok, at sayote.

Tunay na nakakapagpabago sa buhay ng isang tao ang mga sakuna tulad ng malalakas na lindol. Daan-daan ang namatay sa lindol sa Cianjur at mas marami pa ang sugatan. Dahil dito, nangangailangan ng suporta ang mga nakaligtas para makabawi at patuloy na mamuhay nang matiwasay.

Kaisa ng XM ang mga kapus-palad at patuloy itong nagsisikap na makatulong sa pagpaunlad ng buong komunidad.