Hindi nagbibigay ng serbisyo ang XM sa mga residente ng Estados Unidos.
Nasasabik kaming i-sponsor ang Let’s do it! Cyprus, isang napakalaking kampanya sa paglilinis ng kapaligiran na naglalayong tanggalin ang mga basura at panatilihin ang natural na kalikasan sa Cyprus.
Ang Let’s do it! Cyprus ay parte ng pandaigdigang kampanya na Let’s do it! World, isa sa pinakamalalaking programa ng mga boluntaryo sa buong mundo. Naglalayon itong magpalaganap ng kaalaman at hikayatin ang aktibong pagsali ng taumbayan upang magkaisa at solusyunan ang isyu ng proteksyon, konserbasyon, at pangangalaga ng kapaligirang panlupa at pandagat sa Cyprus.
Itinatag noong 2012 at mayroong mahigit 210,000 boluntaryo, patuloy na sinasagip ng Let’s do it! Cyprus ang kapaligiran sa pamamagitan ng pangongolekta sa napakaraming basura na nakikita sa mga kalsada at likas na yaman sa Cyprus. Ito ang pinakamalaking pangkalikasang inisyatiba sa isla at ipinagmamalaki ng XM ang pakikibahagi dito.
Para magbasa pa tungkol sa pagtugon ng Let’s do it! Cyprus sa mga pangkalikasang isyu at mag-ambag sa kanilang ginagawa, bisitahin ang kanilang website.
Babala sa Risk: Maaaring malugi ang iyong kapital. Maaaring hindi nababagay sa lahat ang mga produktong naka-leverage. Mangyaring isaalang-alang ang aming Pahayag sa Risk.