Tulong ng XM sa Pangmusikang Programa sa Cyprus

Ipinaskil Oktubre 20, 2022 ng 1:03 PM GMT. Magbasa Pa Balita

Patuloy na sinusuportahan ng XM ang Sistema Cyprus sa pamamagitan ng panibagong donasyon. Layunin nitong organisasyon na magturo ng libreng klasikong musika sa mga batang nangangailangan sa tulong ng orkestra at koro, na parehong naghahandog ng oportunidad sa paglago at personal na pag-unlad.

Nagbibigay-daan ang Sistema Cyprus na matuto ang mga kapus-palad na kabataan, kabilang na ang mga migrante at refugee, mula mismo sa mga propesyonal na may karanasan sa orkestra at kolektibo sa iba’t-ibang panig ng mundo. Sinuportahan namin ang sangay sa Larnaca sa Cyprus bilang pangunahing sponsor. Ang pinakabagong kontribusyon ay para sa mga guro, at pagsasaayos at pagpapanatili ng mga instrumentong pangmusika na pinapahiram sa mga bata para sa kanilang pag-aaral.

Kilala ang musika dahil sa naibibigay nitong benepisyo sa paglaki ng mga bata. Lumalampas ito sa mismong paggawa ng musika dahil sa naidudulot nitong kaalaman na nakakatulong sa kanila na mag-focus. Maliban dito, napapabuti nito ang kakayahan nilang matuto, at nag-aalok din na napakalaking benepisyo sa pag-iisip at emosyon. Para sa mga batang mahihirap na sinusuportahan ng Sistema, isa itong oportunidad para makasalamuha ang kapwa, maramdaman ang respeto at pakikiisa sa lipunan, at maabot ang buo nilang potensyal sa pamamagitan ng pakikibahagi sa mga sinasalihan nilang event.

Nananatiling nakatutok ang XM sa pagbuo ng mas magandang kinabukasan sa pamamagitan ng pagtulong sa mga naghihikahos, kabilang na ang mga kabataan sa buong mundo. Mababasa mo ang tungkol sa proyekto ng Sistema sa kanilang website o pwede ka ring magbigay ng donasyon dito.