Nag-sponsor ang XM ang Salu-salo sa Madrid

Ipinaskil Hunyo 6, 2018 ng 10:42 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Noong May 19 ipinagmamalaki namin ang pag-sponsor sa isang salu-salo na ginanap sa Madrid, Spain, para sa mga online investors at indibidwal na nasa pangpinansyal na industriya.

Isang hindi malilimutang gabi ang naranasan ng mga dumalo sa enggrandeng kapaligiran ng Eurostars Madrid Tower, kung saan lahat ng mga interesado, o direktang may kinalaman sa online investing at pangpinansyal na mundo ay dumalo sa event para makisaya sa programa na punung-puno ng kasiyahan at para makilala ang mga pangpinansyal na eksperto.

Ang enggrandeng salu-salo ay pinuntahan ng ilang mga VIP, na siyang nagsilbing keynote speakers din sa serye ng mga debate tungkol sa mga pangpinansyal na paksa, at nagbigay-daan din ito para makisalamuha ang mga propesyonal. Pinamunuan ng mga kilalang propesyonal gaya nina Samuel López García, Rubén López García, José Manuel Ayllón, Jarek Duque, Narciso Vega at David Aranzábal ang isang makabuluhang pagtatalakay tungkol sa mga macroeconomic na pagbabago na nakakaapekto sa global markets.

Para sa XM, bilang sponsor, maganda sa pakiramdam ang pagkakataong ibahagi ang kakaibang karanasang ito sa mga dumalo, na nagkaroon sa isang hindi malilimutang gabi na nanatiling totoo sa orihinal na pakay nito.

Sa ibaba makikita ang ilan sa mga litratong kinuha sa Salu-salo ng mga Investor, kung saan makikita din ang makulay na gabi.