Nag-sponsor ang XM ng Salu-salo ng mga Investor sa Warsaw

Ipinaskil Mayo 29, 2018 ng 9:40 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Noong May 19, isang kakaibang event ang isinagawa sa Warsaw, Poland, na ginanap kasabay ng pag-sponsor ng XM: ang Taunang Salu-salo ng mga Investor.

Nitong mga nakaraang taon, isinagawa sa Poland ang iba’t-ibang mga kaganapan na ini-host o ini-sponsor ng XM, seminar man ito o pangpinansyal na expo, kaya naman pinapalakas pa namin ang aming kumpanya sa Poland at pinapatibay ang relasyon sa mga online investors dito. Kaugnay nito, ang Salu-salo ng mga Investor sa Warsaw ay isang napakahusay na oportunidad para pagsama-samahin ang mga indibidwal na mayroong kaparehong interes.

Ang handaan ay isinagawa sa enggrandeng lokasyon ng Marriott Hotel Warsaw, kung saan ang mga dumalo ay nakaranas ng hindi malilimutang gabi na punung-puno ng pakikipagpalitan ng ideya kasabay ng iba pang mga investor, at pakikipag-ugnayan sa mga keynote speakers sa makabuluhang debate tungkol sa mga bagong pangpinansyal na paksa. Ang mga VIP na dumalo gaya nina Marcin Wenus, Rafal Zaorski, Piotr Glowacki at Jacek Kubrak ay nagbigay ng serye ng mga diskusyon tungkol sa mga pinakabagong pag-unlad sa pangpinansyal na mundo, partikular na sa forex at CFD markets.

Ang salu-salo ay nagkaroon din ng enggrandeng hapunan at kasiyahan, na parehong nag-resulta sa masaya at magiliw na gabi para sa lahat ng mga bisita. Ang debate na siyang nakakuha sa interes ng lahat ay sinundan ng lucky draw para sa mga premyo at one-on-one na training kasama ng ilan sa mga kilalang instruktor sa Poland.

Bilang sponsor, nais naming pasalamatan lahat ng mga dumalo sa Salu-salo ng mga Investor sa Warsaw. Sa ibaba makikita ang ilan sa mga larawang kinuha sa di malilimutang event na ito.