XM Sinagot ang Pagpapagamot ng Batang Babae

Ipinaskil Hunyo 8, 2023 ng 8:26 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Nitong Abril, sinagot namin ang operasyon sa puso ni Kha Han, isang 17-buwang batang babae mula sa isang mahirap na pamilya sa Vietnam. Mayroon siyang Tetralogy of Fallot, isang karamdaman na pwedeng ikamatay. Sa pakikipagtulungan sa Heartbeat Vietnam, nabigyan namin si Kha Han ng pag-asa at pagkakataon sa pangalawang buhay.

Ang Tetralogy of Fallot ay binubuo ng apat na congenital heart defect na nakakaapekto sa normal na pagdaloy ng dugo at nagreresulta sa kawalan ng oxygen. Lubhang nanlumo ang magulang ng bata dahil sa nakamamatay na sakit na sinabayan ng kanilang problema sa pera. Ang tatay niya na walang-tigil nagtatrabaho, ay ang kaisa-isang breadwinner ng pamilya na may anim na mag-anak.

Dahil nakita namin ang kahalagahan ng sitwasyon, mabilis kaming nakipagsanib-pwersa sa Heartbeat Vietnam program para pondohan ang operasyon sa puso ni Kha Han. Lubhang nagtagumpay ito at nakapagbigay sa kanya ng pagkakataon sa isang malusog na kinabukasan.

Noong nagpapagaling si Kha Han sa isang ospital sa Ho Chi Minh, dinalaw siya ng team namin. Nagbigay kami ng regalo para pasayahin ang araw niya at nagdala rin kami ng mga pangunahing pangangailangan para sa kanyang ina.

Ngayong nakaalis na sa ospital si Kha Han, pwede na niyang simulan ang kanyang malusog na pamumuhay.

Nagpapasalamat kami sa Heartbeat Vietnam, pati sa VinaCapital Foundation, ang organisasyon sa likod nitong programa. Ang VinaCapital Foundation ay may misyon na makagawa ng mas magandang hinaharap para sa mga nangangailangang bata at kababaihan sa Vietnam. Natulungan na nila ang mahigit 10,000 bata sa buong bansa. Magbasa pa tungkol dito at mag-donate sa kanilang website.